In Memoriam

Kahapon:
Isang magandang balita ang hatid ng text ng hipag ko. May binigay daw sa kanilang apat na buwang tuta na may lahing chowchow at japanese spitz. Tinatanong niya kami kung gusto namin ito. Siyempre pa, oo kaagad ang sagot ng asawa ko lalo pa't alam niyang paborito ko ang chowchow.
Kanina:
Nakalulungkot ang text ng hipag ko. Wala na raw silang tutang maibibigay sa amin. Biglaan daw ang pagkamatay ng hindi pa namin nakikitang tuta. May nakain daw ito kagabi na nakasama sa sikmura dahilan upang magsuka ito't tuluyan ng sumama kay San Roque.
Ngayon:
Magkahalong panghihinayang at lungkot ang kasalukuyang lumulukob sa aking pagkatao. Akala ko, mapupunan na ng bagong tuta ang espasyong naiwan ni Whitney sa buhay naming mag-asawa. Si Whitney ay isang Labrador Retriever. Anak siya ng aso naming sina Polo at Poochie. Pero namatay na si Whitney. Anim na buwan pa lang ito nang makakain ng nakakalat na hanger. Sayang. Napakalambing pa naman nito. Minsan nga'y pinagselosan ko pa ito dahil pakiramdam ko'y mas mahal ito ng asawa ko kaysa sa 'kin. Pero ngayon, wala na 'kong pinagseselosan. Iba rin kapag may alaga ka. Nakakawala ng depresyon. Hindi na kami makakakita pa ng katulad ni Whitney. Hindi na rin kami magkakaroon ng gaya niya dahil patay na ang nanay nitong si Poochie. At kamakailan lang ay sumunod na rin si Polo. Sayang. Sayang talaga. Kung alam ko lang, hindi ko na sana siya pinagselosan.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home