May nalaman akong sekreto
Matagal ko ng nakikitang pakalat-kalat sa bahay ang librong The Secret ni Rhonda Byrne. Mayroon ang dalawang kapatid ko nito, hardbound. Noon pa ko naiintriga pero ni minsan, hindi ko naisipang buklatin ang mga pahina nito. Pero habang nakikita ko ang pagbabago sa mga kapatid ko, sa pisikal mang itsura o sa pananaw nila sa buhay, tila naengganyo akong silipin ang mga pahina nito kanina. Para akong magnanakaw na kinalkal ang gamit ng kapatid kong umuwi sa probinsya at suwerteng hindi naman niya dinala ang libro roon.
Naisip ko lang, baka makakatulong nga ang libro para maging positibo naman ang pananaw ko sa buhay sa kabila ng kawalan ko ng pag-asang makahanap pa ng matinong trabaho na may 'disenteng' suweldo.
Tumanim sa utak ko ang nakasaad sa mga unang pahina. "The secret is the law of attraction," anito. Sinasabi nito na tayo mismo ang responsable sa kung ano man ang dumarating sa buhay natin-- na kung anu man ang mga iniisip natin, iyon ang nangyayari. Samakatuwid, kung naiisip kong hindi ako matatanggap sa mga inaplayan kong trabaho, iyon nga ang mangyayari dahil ang pag-iisip kong iyon mismo ang umaakit sa kung ano ang mangyayari sa akin. Kung negatibo ang pag-iisip ko, natural na negatibo rin ang ibabalik sa akin.

Ibing sabihin, makapangyarihan talaga ang ating isip. Dahil dito, naisip kong ibahin ang pananaw ko. Alam kong hindi iyon madali lalo na sa panahon na puro krisis na lang ang nangyayari. Pero kailangan kong maakit ang mga positibong bagay. Kaya nga ang iniisip ko ngayo'y darating na ang trabahong ninanais ko. At higit pa roon. Sa isip ko'y nakapaskil na ang mga magagandang bagay na darating sa hinaharap.
Walang masama kung maniniwala ako sa libro. Dahil sa totoo lang, gumaan ang loob ko kahit paano. Nakasilip ako ng pag-asa sa mga pahinang iyon. Hindi ko pa ito lubusang natatapos, pero may maganda nang nangyari at ito'y maging positibo lagi sa gitna ng mga pagsubok.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home