Pandaigdigang Lokohan
Saludo talaga ako kay Sen. Miriam Santiago. Ibang klase kung humirit siya! Noon pa ma'y talagang natutuwa na ako sa kanya. Parang ang saya niyang makasama. Noon ngang dumalo siya sa USTe kasama ang ibang mga senador noong nasa kolehiyo pa 'ko , siya ang umani ng pinakamalakas na palakpak. Nayanig talaga ang Med. Audi. ng USTe noon. Iba kasi ang mga pananaw niya. At kahit pa sabihin ng ilan na may 'pagka-krungkrung' siya dahil sa sobra niyang katalinuhan, wala akong pakialam. Basta ang alam ko, isa siya sa mga may utak sa gobyerno.
Natawa lang talaga ako kanina nang mabasa ko sa isang pahayagan ang suhestiyon ni Sen. Miriam para kay FG tungkol sa pagkakasangkot nito sa anomalya sa WB road project. Wala talagang lusutan! Tama lang iyon, kung hindi kaya ni FG ang pumunta sa senado para kuhanan ng pahayag ukol sa eskandalong kinasasangkutan nito, nararapat lang na ang senado ang 'magreach-out' sa kanya. Siguro naman, wala nang maiisip pang alibi si Unang Ginoo.
Nakakatawa talaga! Kanina pa 'ko natatawa. Bakit nga kaya ganoon? Parang napakadaling lumusot sa lahat ng bagay kapag may sakit ka. Siyempre nga naman, bawal ang ganito't ganire. Baka maging kargo de konsensiya mo pa siya. Pero sa kabilang banda, bakit daig pa ng iba ang malakas na kalabaw kung pangungurakot na ang usapan? Pasintabi po!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home